Para sa Diyos at sa bayan!

Blog Entrymga taong Simbahan sa SONA raliJul 29, '08 8:59 AM
for everyone

nakakita na ba kayo ng mga pari, madre, at relihiyoso sa mall?
ewan ko lang, pero mas inspirasyon para sa akin makakita ng mga pari, madre, at relihiyoso sa rali at sa mga barung-barong.
mas nakakatuwang makita sila (kami) sa mga lugar na hindi kumportable.
pero mas madalas sila (kami) makita sa mga lugar na kumportable (simbahan, mall, atbp.)

saludo ako sa mga 300 taong Simbahan na nakiisa sa SONA rali kahapon. mabuhay kayo! isang magandang simula... sana tuloy-tuloy na ang ating pakiisa sa mga dukha't api!


Electoral fraud, massive corruption, widespread poverty, economic crisis, extrajudicial killings, enforced disappearances, other human rights violations, moral bankruptcy...

Kitakits sa rally sa SONA ni GMA.


OUST THE CORRUPT US - ARROYO REGIME!

JOIN THE PEOPLE'S SONA

9:00 am, Monday - July 28, 2008


Assembly: along Commonwealth Avenue, across Puregold – Luzon

Blog EntryGenuine agrarian reformJul 15, '08 6:14 AM
for everyone
Clearly, the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) has failed to bring about genuine
agrarian reform. CARP merely allows the government to pretend that it is doing something
about landlessness, but the reality is that less than one-third (1/3) of total landowners still
own more than eighty percent (80%) of the country’s agricultural land. Seven (7) out of
ten (10) farmers are still landless. Extending CARP is to legitimatize government duplicity on
agrarian reform and its continued indifference to the plight of millions of poor and exploited
farmers and farm workers.

Unlike the failed CARP, the Genuine Agrarian Reform Bill aims to distribute more land to more
farmers at no cost to the farmer beneficiaries. To correct the weaknesses of the CARP in terms
of delivery of support services, the bill provides that the State shall
implement a program for the delivery of support services to farmer beneficiaries such as credit
facilities, production support, post-harvest, market access and market, price guarantees and
such other services necessary to making their production viable and increase their income.

The Social Doctrine of the Church teaches that agrarian reform is “a moral obligation”. The
Church sees the need for “radical and urgent changes... in order to restore to agriculture –
and to rural people – their just value as the basis for a healthy economy, within the social
community's development as a whole.”

Let us therefore work together for genuine and radical agrarian reform. We should reject an
ineffective and insincere land reform program. God says “I have seen the affliction of my
farmers, and have heard their cry because of the greedy landlords; I know their sufferings, and I
have come down to deliver them out of the hand of the greedy landlords, and to give them a good and
broad land, a land flowing with milk and honey.”

Blog EntryChallenges daw to Consecrated Life todayJul 13, '08 8:08 AM
for everyone
1) individualism
solution: community life
2) materialism
solution: fidelity to the vows
3) secularism
solution: pray more

mga tanong ko:
1) sapat na bang malapit tayo sa ating kasama sa community, di natin nilalabag ang vows, at madasalin tayo?
2) asan ang pagsasakonteksto ng consecrated life sa isang lipunang puno ng inhustisya at pang-aapi?
3) asan ang aspeto ng pakikiisa sa mga dukha't api?
4) hindi ba ito ang tunay na hamon para sa ating mga relihiyoso ngayon?

Blog EntryKrisis sa ekonomiyaJul 5, '08 9:39 PM
for everyone

PANGINOONG HESUS, DINGGIN NIYO PO ANG MGA DAING NG INYONG BAYANG DUKHA AT API

Lubhang namumuhi ang ating Panginoong HesuKristo at ang Kanyang mahal na Inang Maria, sa nagaganap na pagpapahirap ng mga makapangyarihan sa Kanyang sambayanan.  Wika ni Hesus sa mga kurakot at mapang-api, ”Sa aba ninyo... kinaliligtaan ninyong isagawa ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan... Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan, ngunit ang loob nito’y puno ng mga nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala.” (Mateo 23:23,25)

> Linguhan na ang pagtaas ng presyo ng langis, mula P1.00 hanggang P1.50 kada linggo.

> Sobrang taas na presyo ng bigas sa buong bansa.

> Nananatiling mataas ang singil ng kuryente sa buong bansa. 

> Pagtaas ng matrikula.

> Pumalo na sa 11.4% ang tantos ng implasyon nitong Hunyo, pinakamataas sa loob ng 14 na taon.  Tumaas nang 17.4% ang presyo ng pagkain nang tumaas ng 43% ang presyo ng bigas. 

> Samantala, tuwang-tuwa ang gobyerno sa mataas niyang kolekta ng VAT sa langis at kuryente

> Nakaamba rin ang ekstensyon ng palpak at kontra-magsasakang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na nagpalala sa konsentrasyon at rekonsentrasyon ng lupa sa kamay ng iilan.

> Hindi parin nareresolba ang isyu ng matindi at malawakang korapsyon sa gobyernong Arroyo. Ang isyu ng korapsyon ay kakambal ng isyu ng tumitinding paghihirap ng bayan. Higit na nagiging kasuklam-suklam ang pagnanakaw sa kabang-yaman ngayong hikahos ang mamamayan.  Gayundin, ang mga pabigat na buwis tulad ng VAT ang siyang pangunahing pinagkukunan ng nakaw na yaman.

Kontrolin ang presyo ng langis! Ibaba ang singil ng kuryente!

VAT sa langis at kuryente, tanggalin! Sahod itaas! Presyo Ibaba!

Rehimeng US-Arroyo, salot sa mamamayan, pahirap sa bayan!

Sa ngalan ng mahabaging Diyos, isulong natin ang katarungang panlipunan, ipagtanggol ang mga dukha’t api!


Blog EntryTula ng mga magsasakaJun 23, '08 2:40 AM
for everyone

This poem written by farmers was read 8pm of June 9, 2008 in the Vigil Rally at Gaston Park, Cagayan de Oro City.

 

Bukas na Liham para kay Arsobispo Ledesma

9 Hunyo 2008

(Bisperas ng ikadalawampung taon ng Comprehensive Agrarian Reform Program)

 

Mahal na Arsobispo,

 

Kami ang mga mamamayang nagbungkal sa lupa, nagpayaman ng bukirin, nagpakain sa sambayanan;

Kami ang mga magsasakang nagdidilig ng pawis sa binhing bubuhay sa lipunan, nagsusunog ng balat;

Mangingisda kaming nakipagtuos sa hanging habagat, sumisid sa mga perlas sa pusod ng karagatan ng buhay;

Kami ang mga tagabundok, mga naninirahan sa mga sapa at baybayin, sa mga dukhang dampa sa kagubatan, na tumuklas sa kayamanan ng lupa, nagdiskubre ng mga kaalaman, nagbuntis sa lahat ng bawat bagong bagay bunga ng aming direktang pakikisangkot sa paggawa.

Kami ang mga timawa sa lipunang alipin; mga Andres Bonifaciong lumaban sa pyudal na panggigipit ng kapangyarihan ng simbahan at estado noong tyempo Espanyol;

Kami ang mga binansagang bandido sapagkat gusto naming bawiin ang lupang inagaw ng mga prayle; naghimagsik sa harap ng mga walang awang gwardya sibil para ipaglaban ang nararapat at makatarungan;

Kami ang mga tinraydor ng mga nagbenta-ng-kaluluwang mga Makapili.

Kami ang labing-apat na mga magsasakang pinatay sa paanan ng Mendiola.

Kami ang mga hindi isinulat sa mga dahon ng kasaysayan; nakamarka sa aming mga noo ang sumpa ng daang taong pagkaalipin.

Kami ang walong daang magsasakang nanganganib mapalayas sa kwatro syentos ektaryang lupa sa loob ng Central Mindanao University;

Ipinagpipilitan ng mga may-kapangyarihang ito ay hindi sa amin, at kukunin dahil anilay hindi para sa gamit pagsasaka;

Sabi nila, hindi ito kasali sa mga ipapamigay; wala kaming payapang gabi sa takot na possible itong dagitin ng polisiyang “eksklusyon at eksempsyon” ng batas na gusto mong palawigin pa.

Kami ang mga nagsasakang itinaboy sa kalupaan ng Hacienda Puyat sa Batanggas; mga hampaslupa sa Aguinaldo Estate sa Tartaria Cavite.

Kami ang mga nagbubungkal na nangangarap maangkin ang tatlong libong ektaryang kalupaan sa Tagoloan at Villanueva na pinamamahalaan ng PHIVIDEC, at sa mahigit dos syentos beynte mil ektarya ng Dole at Del Monte Philippines sa Bukidnon;

Kami ang mga umiiyak sa pagbibigay higit sa reserbasyon ng lupa para sa kagamitang industriyal; mga komersyal na negosyo, plantasyon ng kape, cacao at goma handog sa panginoong Amerika habang nauubos ang bukiring pagtatamnan ng kakainin ng ating mamamayan;

Kami ang naniniwala na sapat na ang krisis sa bigas at laganap na kagutuman upang iyong ikondena sa mga pulpito ang dalang delubyo ng kasalukuyang programa sa repormang agraryo.

Kami ang mga nagbubungkal sa Hacienda Zobel sa Batanggas.

Kami ang mga nagtitiis sa pagbabayad upang mapasaamin ang lupang pinaniniwalaan naming matagal nang nabayaran;

Sa loob ng mahahabang taon, inihahatid namin ang rentang tersyo, sangkapat, kalahati sa pintuan ng bahay na marmol ng aming mga panginoong walang ibang hawak kundi ang mga papeles na ang lupa’y sa kanila, habang namamaluktot sa gutom ang aming mga supling.

Matagal na kaming nakabayad kahit wala kaming utang.

Kami ang mahigit tatlong daang magsasaka sa Gingoog na nagbayad ng “makatarungang bayad” sa mga panginoon alinsunod sa itinakda ng CARP, subalit binawian pa rin nila ng CLOA, CLT at EP.

Kami ang mga nagsasaka sa Hacienda Looc at Hacienda Roxas sa Nasugbu; mga itinakwil sa Hacienda Yulo sa Laguna.

Kami ang mga magsasakang ipinatawag ninyo sa isang konsultasyon tungkol sa aming kahirapan, madali sanang dinggin ang aming mga hiling; mga anak rin kami ng Diyos na dapat marinig.

Kinamumuhian namin ang kasalukuyang pekeng programa ng repormang agraryo, dalawampung taon nitong ipinagkanulo ang aming mga pangarap.

Nakakapanindig balahibo ang turingang ang programang ito ay katumbas ng panlipunang katarungan at pagkakapantay-pantay, inilibing nito ang anumang natitira pa naming pag-asa.

Nais gamitin ng mga oportunista ang aming kahirapan para magkapera, inilalako nila ang larawan ng aming kawalan saan mang sulok para maghanap ng mananakaw, na para bang hindi pa sapat ang syento kwarenta y tres bilyong piso na kanilang natangay nitong nakaraang dalawampung mahahabang taon.

Kami ang mga tinuran ninyong lumaban ng mapayapa, gamitin ang mga batas upang igiit ang aming mga karapatan.  Ngunit anong ginawa nila sa amin sa munisipyo ng Escalante, sa Hacienda Luisita?; kami ang patuloy na natututo sa mayamang karanasan mula sa pakikipagtunggali sa aming mga mambubusabos.

Kami ang mga alipin ng modernong panahon; habang kami’y nagkakayod upang kumain, sinisi nila ang kapalaran bilang salarin sa aming kahirapan, habang tinatakan kami ng samu’t saring mga marka sa aming mga noo bilang mga komunista, terorista, at iba pang mga bansag bunga ng aming pagpupunyaging magkalaman kahit mumo ang aming mga bitukang walang laman.

Ginamit nila ang mga rehas, kinitil ang aming mga mithiin; hayun, ang mga magnanakaw, malaya, nakaluhod at sumasamba sa kapital, nalalasing sa mamahaling alak; malinaw na hindi sumasakit ang ulo ng hukom para sila’y habulin.

Mahal sila ng kapalaran.

Kami ang mga magsasaka saan mang dako nitong Amihan, nagbungkal sa lupang hitik sa mga kwento ng magiting na paglaban sa aming parang walang katapusang pagkaalila;

Kami ang Dalmacio Gandinao, Nestor Ladica, at marami pang ibang walang pangalan, nagbahagi ng among mga dugo at hininga para sa kalayaan ng kanayunan;

Kami ang mga amang tinadtad ng bala habang humihingi ng aming karapatang bumungkal; mga asawang binunutan ng kuko para umaming NPA; mga inang naghihintay sa anak na dinukot ng mga di-kilalang nagtatago sa dilim ng gabi.

Kami ang mga namatay subalit buhay sa alaala ng bawat mahirap na magsasaka sa lahat ng sulok.

Kami ang mga inismiran ang papel sa bawat pagsulong ng kasaysayan;

Nananaghoy ang lupa habang itinuturo sa mga aroganteng intelektwal, mga mapagkunwaring mga henyo, mga naghahanap  ng daan patungo sa bagong Israel, na kami, kami ang mga nawawalang hibla sa krusada, ang pinaghahanap na kaputol sa masaganang bukas.

Hindi man nila lingunin ang kasalukuyang mukha ng aming pagkabusabos, kalikasan ang magtuturong bigyang halaga ang aming panaghoy. Bawat panaghoy, paglaban. Bawat paglaban, tagumpay.

Huwag asahang aming hihintayin ang mga kamay, kasama ang iba pang uring pinagsasamantalahan, walang tigil naming babaybayin ang daan patungong kalayaan.  

 

This poem was read 8pm of  June 9, 2008  in the Vigil Rally at Gaston Park, Cagayan de Oro City. Originally in Cebuano, it was collectively written and edited by the following Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)member organizations in Northern Mindanao:

-Misamis Oriental Farmers’ Association (MOFA)

-Kahugpungan sa mga Mag-uuma sa Bukidnon  (KASAMA)

-Unyon sa mga Mag-uumasa Agusan Norte (UMAN)

-Nagkahiusang mga Mag-uuma sa Agusan Sur (NAMASUR)

-Gingoog City Farmers’ Association (GCUFA)

-Kahugpungan sa mga Mag-uuma sa Lanao Norte (KAMAS LANAO)

-Pambansang Lakas ng mga Mamamalakaya sa Pilipinas (Pamalakaya-North Mindanao)

-Kalumbay Lumad Organization


Blog EntryTrabaho daw ng mga pari, madre, at relihiyosoJun 5, '08 4:52 AM
for everyone
Hindi daw dapat nagra-rally ang mga pari, madre, at mga relihiyoso. Hindi daw dapat nila prioridad ang pamamahagi ng mga 'temporal' na pangangailangan ng mga tao, tulad ng pagkain. Trabaho daw ito ng laiko at ng mga social worker.

Sa halip, dapat daw gugulin ng mga pari, madre, at mga relihiyoso ang lahat ng kanilang oras sa pagdarasal, sa mga sakramento, at sa pagtuturo ng doktrina.

Si Hesus na ang nagsabi na dapat nating ibigin ang Diyos at ang ating kapwa. Sino ang ating kapwa? Ang ating kapwa ay ang mga pinaka-nangangailangan, ang mga dukha't api.

Kung tunay ngang mas malapit sa Diyos ang mga pari, madre, at mga relihiyoso, dapat pa nga sila manguna sa konkreto at aktibong pagmamalasakit sa mga dukha't api.

Sinong tunay at tapat na Kristiyano ang hindi tutugon sa daing ng kanyang mga kapatid na nagugutom, naghihirap, at inaapi?

Kaduda-duda ang pagdarasal, mga sakramento, at pagtuturo ng doktrina na hindi nagbubunsod sa mas matinding pagmamalasakit sa mga dukha't api.

Ang pagmamahal sa kapwa, lalo na sa mga dukha't api, ay trabaho nating lahat. Samakatuwid, ang pagsulong ng karapatang pantao, at ang pagra-rali kung kinakailangan, ay trabaho nating lahat.

Isulong ang diwang maka-maralita!
Kaisa natin si Hesus sa pakikibaka!

Blog Entry"Wala na tayong tagapagtanggol..."May 21, '08 10:48 PM
for everyone

- Nakiisa kami sa pagsalubong sa carroza ng mga labi ni Ka Crispin Beltran
- May mamang napadaan at tinanong kung anong oras darating ang carroza.
- Sabi ko, "Mga alas-6 daw"
- Sabi niya, "Wala na tayong tagapagtanggol..."
- Naluha ako.
- Kilala ng karaniwang tao kung sino talaga ang panig sa kanila at kaisa nila.
- Bakit hindi nila tinuturing na tagapangtanggol ang Simbahan?
- Marahil ay may pagkukulang tayo sa taumbayan...


Blog EntryTula: Tuwing napuputikan ang aking paaMay 14, '08 11:31 PM
for everyone

Tuwing napuputikan ang aking paa

Ako’y nanghihinayang at naiinis

Sira na naman ang aking porma

Mga kuko ko’y lagi sanang malinis

 

Tuwing napuputikan ang aking paa

Sumuong na naman sa may talipapa

O kaya sa may riles, sa mga barung-barong

Nakisalo sa mga kapatid na dukha

 

Tuwing napuputikan ang aking paa

Mga yapak ni Hesus ang nais sundin

Sa kanyang paglilingkod sa mga maralita

Hindi ba’t mga paa Niya’y naputikan rin?

 

Tuwing napuputikan ang aking paa

Di dahil naglakad sa SM o sa Glorietta

Dun galing sa komunidad ng iskwater

Sabi ng madreng RGS, “Ganyan talaga.”

 

Tuwing napuputikan ang aking paa

Payo ni Carballo sumasagi sa ala-ala

Ang buhay ng isang prayleng Pransiskano

Hindi madali, ngunit sadyang maganda.


- Kasama ang People's Caravan, nagdaos kami ng paraliturhiya  para sa katarungan at kapayapaan sa kapilya ng Ospital ng Tala
- Kasama si Obispo Antonio Tobias, D.D. ng Novaliches at ang mga pasyente ng Tala
- Ilan taon nang umaasa sa abuloy ang mga taga-Tala
- Sa halip na makatayo sa sarili nilang mga paa, tinuruan silang maging pala-asa sa abuloy
- Labag ito sa kanilang dignidad bilang mga tao
- Barya lang ang abuloy na handang ipagkaloob sa kanila ng gobyerno at ng lipunan
- Paunti na nang paunti ang ipinagkakaloob sa kanilang abuloy
- Dahan-dahan na silang namumulat sa pang-aaping ginagawa sa kanila ng gobyernong nagpapabaya sa tungkulin
- Panahon na upang magkaisa sila at sama-samang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at dignidad

Blog EntryHindi raw nagugutom ang Simbahan...Apr 14, '08 2:26 AM
for everyone
- Dumalo ako sa rali ng bayan noong Sabado, Abril 12 sa Plaza Miranda
- Dinaing ng taumbayan ang gutom na nararanasan dahil sa kasalukuyang krisis sa pagkain.
- Iilan lang ang dumalo sa rali mula sa sektor ng Simbahan...
- May mga nagsabi, "Siguro kasi hindi naman nagugutom ang Simbahan."

Makonsensya nawa tayo. 

Poong Hesus, kaawaan Niyo po ang Inyong Simbahan.
Turuan Niyo kami maging tunay na Simbahan ng mga Dukha.

Blog EntryPanalanginApr 8, '08 2:17 AM
for everyone
Kung paano tayo manalangin, ganoon ang ating espirituwalidad at ugnayan sa Diyos.

Maraming panalangin na pansarili lamang. Maraming panalangin na pampalubag lamang ng sariling konsensya. Maraming panalanangin na nagdudulot ng pagiging pasibo, ng kawalan ng pagkilos at pagsisikap. Maraming panalangin na nagtuturo ng hindi pagtutol sa kamalian. Maraming panalangin na sentimental at debosyonal, hindi nag-uudyok para sa mas aktibong pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa. Ganito ba ang ating panalangin? Kung oo, bakit ganito?

Sinisikap kong pagyamanin ang aking buhay panalangin. Naniniwala ako na malaking tulong ito sa aking pagsisikap na paglingkuran ang Diyos at ang bayan. Ngunit ang nais ko ay panalanging nag-uudyok para sa mas aktibong pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

Sinisikap kong pagyamanin ang aking panalangin sa pamamagitan ng pagninilay sa Salita ng Diyos sa perspektibong makabayan at maka-maralita. Ang Salita ng Diyos sa perspektibong ito ay tunay na doktrinang maka-Diyos at makabayan. Nagdudulot ito ng buhay at kalayaan. Nag-uudyok ito sa akin na maglingkod sa kapwa. Kaakibat ng pagninilay sa Salita ng Diyos ay ang pagninilay sa kalagayan ng aking kapwa. Paghihirap at pagdurusa ang aking nasasaksihan. Mayroon ding tiyaga at pag-asa sa kabila ng lahat. Lahat ito ay nagsisilbing pang-siga sa aking buhay panalangin.

Hesus ko, mahal Kita at mahal ko ang Iyong bayan.
Tulungan Mo po akong maging lingkod Mo at ng Iyong bayan.
Tulungan Mo po ako maging daan ng iyong pagmamalasakit sa aking kapwa, lalo na sa mga pinaka-nangangailangan.

Blog EntryPa-rally rally paMar 29, '08 10:57 PM
for everyone
Nagtipon-tipon kami sa isang rally. Iba-iba ang aming mga Simbahan ngunit iisa ang aming paninindigan na ang Mabuting Balita ay ang pangunahing tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Iilan lang kami, ngunit dama ko ang buhay na diwa ng ekumenismo at pagkakaisa para sa adhikaing maka-Diyos, makatao, at makabayan.

Ano ang napala namin sa aming pagra-rally? Bakit namin tiniis ang matinding init ng araw? Dininig ba ang aming mensahe? Hindi ba naging sanhi lang kami ng trapiko? Anong kabuluhan ng rally na hindi man lang umabot ng isandaang katao? Bakit may pa rally rally pa?

Taas noo akong dumalo sa prayer rally bilang kinatawan ng Kapatirang Pransiskano. Bilang mga Pransiskano, kilala tayo sa diwa ng pagkakapatiran. Sino ba ang ating kapatid? Sino ba ang ating kapwa? Si Hesus na mismo ang nagsabing "... lahat kayo ay magkakapatid." (Mateo 23:8) Bilang mga kuya, natural lang sa atin na sikaping ipagtanggol ang nakababatang kapatid na inaapi at pinahihirapan. Nawa'y patuloy nating isulong ang tunay na diwa ng pagkakapatiran sa pamamagitan ng pagtataguyod ng karapatang pantao at ng kapakanan ng "pinakahamak sa ating mga kapatid" (Mateo 25:40).


Blog EntryPag-ibig sa Diyos at sa kapwaMar 23, '08 5:28 AM
for everyone

Tinuro ni Hesus na ang dalawang pinakadakilang mga kautusan ay "Ibigin ang Diyos" at "Ibigin ang kapwa". Samakatuwid, hindi natin maaaring sabihin na iniibig natin ang Diyos kung hindi natin iniibig ang ating kapwa. Ang pag-ibig sa kapwa ang pinakadakilang paraan ng pagpapakita ng pag-ibig sa Diyos. Ang tunay na debosyon ay nagbubunsod sa aktibong pagmamahal sa kapwa, lalong-lalo na sa mga dukha't api.

Paglingkuran natin ang mga dukha't api. Tularan natin si Hesus sa Kanyang dakilang pagmamalasakit sa tao, lalong-lalo na sa mga dukha't api.

Si Hesus ay paglingkuran!
Karapatang pantao'y ipaglaban!


Blog EntryMarian devotion and Social JusticeMar 19, '08 9:48 PM
for everyone

Excerpt from Recurrens Mensis October, 1969

If every man, "as much as he can, as best he can," (Populorum Progressio) must work for justice and peace in the world, then each Christian will have it at heart to ask Mary to pray with us and for us, so that peace which the Lord alone can give, may be granted us. [Collect of the Mass for Peace] [#9]

Excerpts from “Ang Mahal na Birhen, Mary in Philippine Life Today” (Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, 1975)

[Marian devotion] has helped in many instances to keep and nurture the prayer-life of our people, but also--and this must be noted--it has given an added dimension by providing a powerful motivation for works of Christian charity, particularly by groups dedicated to her.  It is to be hoped, however, that it will help them also to dedicate themselves with greater ardor to the apostolate of social justice, accepting Mary's special role in humanity's destiny, in the  development of humanity to a community of justice and peace. [#67]

Mary's song speaks of a God who has "routed the proud of heart," "pulled down princes from their thrones," "exalted the lowly," "filled the hungry with good things," and "sent the rich empty away" (Luke 1:51-53).  This is an echo of the utterances of the prophets who condemned the wealthy not for their wealth but for their selfish complacency, the powerful officials not for their positions of authority but for their injustice and cunning.  The poor of Israel were a blight in the land; they were the manifestations of a sick society, but even more fundamentally, of a radical deviation from God's intentions for his people.  In brief, the poor were visible signs of the deep-rooted sin of the nation.  Greed and deceit were in the hearts of the powerful of the land who were squeezing the lifeblood from the poor for their own selfish purposes.  Though entrenched in this social sin, they put a facade of piety and respectability which was sacrilegious in the eyes of the prophets.  It was to those people that the Lord said:  "When you stretch your hands I turn my eyes away.  You may multiply your prayers, I shall not listen...  Take your wrong-doing out of my sight.  Cease to do evil.  Learn to do good, search for justice, help the oppressed, be just to the orphan, plead for the widow" (Isaiah 1:15-17). [#95]

Our devotion to Mary should never lose sight of the present plight of the vast majority of our Filipino brethren who live lives unworthy of human beings.  These poor and oppressed brethren of ours are devotees of Mary, too; and they call out to her, their Mother, to ease their sufferings and free them from their chains.  And surely her maternal heart goes out to them.  Her appeal comes to those of us who can help the helpless.  Mary is the model of the perfect disciple of the Lord:  "the disciple who builds up the earthly and temporal city while being a diligent pilgrim towards the heavenly and eternal city, the disciple who works for that justice which sets free the oppressed and for that charity which assists the needy."   Devotion to Mary shows itself in works, and the works which we needed in the Philippines today are the works of justice and freedom from oppresion.  As the Church points out to us, our mission is "to be present in the heart of the world proclaiming the Good News to the poor, freedom to the oppressed, and joy to the afflicted." [#96]


mabuhay ang mga obispo sa kanilang
- malakas na pagkundena sa katiwalian sa pamahalaan, sa buong lipunan, at ng bawat Pilipino
- panawagan para sa pagsisisi at pagbabagong-buhay ng lahat ng mga tiwali

kaya lang
- hindi pwede ihambing ang pagnakaw ng ilang sentimo sa pagnakaw ng bilyun-bilyon
- kailangan idemanda ang pagbabayad-puri sa mga tiwali sa gobyerno dahil ang ginawa nila ay nagdulot ng matinding kahirapan sa milyun-milyong tao
- kung hahayaan sa pwesto ang mga tiwali sa pamahalaan ay kinukunsinte natin ang katiwalian (iisipin nila: yes! nakalusot tayo. tuloy ang ligaya!)

MGA TAONG SIMBAHAN, DI DAPAT KUNSINTEHIN ANG KATIWALIAN!
IPAGBITIW ANG MGA TIWALI SA PAMAHALAAN!

Blog EntryMga pagkilos nitong nakaraang linggoMar 14, '08 8:39 AM
for everyone
Nitong nakaraang linggo ay nakapagdalo ako sa mga sumusunod na pagkilos para sa Diyos at sa bayan
- Misa para sa katotohan sa DLSU-Manila
- Daan ng Krus para sa mga magsasakang inaagawan ng lupa
- Marso 14 rali laban sa katiwalian sa Liwasang Bonifacio

Masaya akong makatagpo sina:
- Bro. Mike Valenzuela, FSC sa Misa para sa katotohanan sa DLSU-Manila
- Sr. Ellen Bernardo, RGS ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) sa Daan ng Krus
- Sr. Emelina Villegas, ICM sa Daan ng Krus
- Bishop Bacani sa rali sa Liwasang Bonifacio

MGA TAONG-SIMBAHAN, HINDI DAPAT KUNSINTEHIN ANG KATIWALIAN!
MANINDIGAN PARA SA DIYOS AT SA BAYAN!
TULOY ANG LABAN!

Blog EntryMapagpalayang Daan ng KrusMar 8, '08 7:34 AM
for everyone

ANG DAAN NG KRUS

Ang mga Pransiskano sa buong mundo ay nakikipamuhay at naglilingkod sa mga dukha’t api.  Sa diwa nina San Francisco at Sta. Clara, kumikilos tayong baguhin ang mga hindi makatarungang balangkas ng lipunan.  Sa ating araw-araw na pakikibaka ay nararanasan natin ang Daan ng Krus.

1) HINATULAN SI HESUS NG KAMATAYAN

Marami paring bansa ang nagpapataw ng parusang kamatayan.  Marami paring pinapaslang at maraming sanggol na ipinalalaglag.  Ang bawat buhay ay banal para sa ating mga Kristiyano.  Sino tayo upang kumitil ng buhay ng ating kapwa?

Panginoon, lagi po naming inaalala ang pagpatay sa iyo.  Patawad po.  Nawa’y isulong ng aming mga pamayanan ang Mabuting Balita ng Buhay na nagtataguyod at nagtatanghal sa dignidad ng bawat tao.

2) PINASAN NI HESUS ANG KANYANG KRUS

Bilyun-bilyong tao ang nagdurusa at nakukulong sa matinding kahirapan.  Araw-araw nilang nararanasan ang gutom, paghamak, pagtitiis, at pagsasamantala.

Panginoon, pinapanalangin po namin ang mga biktima ng matinding kahirapan.  Turuan mo po kaming magbahagi nang bukas-palad sa aming mga kapatid.

3) NABUWAL SI HESUS, SA UNANG PAGKAKATAON

Laganap sa mundo ang pagpatay, pang-aabuso, at pagsasamantala sa kababaihan.  Dapat ipagtanggol ang mga karapatan ng mga kababaihan.

Panginoon, laganap po sa lipunan ang diskriminasyon sa kababaihan.  Tulungan mo po kaming mamulat ang kapwa na tutulan ang karahasan laban sa kababaihan.

4) NASALUBONG NI HESUS ANG KANYANG INA

Maraming pamilya ang nawawasak ng ilegal na pagpupuslit ng mga tao.  Ang mga taong ipinuslit ay kadalasang inaabuso, pinagsasamantalahan, at inaalipin.

Panginoon, namasdan mo po ang pagdurusa ng iyong ina.  Nawa’y ang pagmamahal niya sa iyo ay madama ng mga pamilyang nangangamba para sa kaligtasan ng kanilang mga pinuslit na anak.

5) INATASAN SI SIMON NA PASANIN ANG KRUS

Tulad ni Simon, maraming mga Pransiskanong bukas-palad na naglilingkod sa mga nangangailangan, mahihirap, maysakit, at matatanda.  Marami ring aktibong nakikibaka laban sa mga balangkas ng lipunan na nagdudulot ng pagdurusa.

Panginoon, pagpalain mo po ang aming mga kapatid na Pransiskanong nakikipamuhay at naglilingkod sa mga dukha’t api.

6) PINUNASAN NI VERONICA ANG MUKHA NI HESUS

Milyun-milyong tao ang may sakit na HIV sa buong mundo.  Araw-araw, libu-libong tao ang namamatay sa AIDS, at milyun-milyong kabataan ang naiiwang ulila.

Panginoon, salamat po sa mapagmalasakit naming mga kapatid na nagsisikap bumuo ng mga pamayanang sumusuporta sa mga pasyenteng may HIV o AIDS.  Nawa’y magsikap ang lahat na masugpo ang diskriminasyon laban sa mga biktima ng HIV at AIDS.

7) NABUWAL SI HESUS SA IKALAWANG PAGKAKATAON

Milyun-milyong tao ang pinatay at pinapatay dahil iba ang kanilang lahi o relihiyon.  Halimbawa na dito ang mga biktima ng Nazi Holocaust at ng mga karahasan sa Cambodia sa ilalim ng Khmer Rouge, sa Bosnia, at sa Rwanda.

Panginoon, hipuin mo po ang kalooban ng mga tagahasik ng karahasan.  Nawa’y makatuklas kami ng mga mapayapang paraan ng pagsasaayos ng mga hindi pagkakasundo.  Nawa’y makapagbuo kami ng mga pamayanan kung saan ang bawat isa ay ginagalang at tinatanggap.

8) NAGSALITA SI HESUS SA MGA KABABAIHAN NG JERUSALEM

Hindi lang natin ito namamalayan, ngunit sa maraming sulok ng mundo, milyun-milyong tao ang namumuhay sa gitna ng matinding kahirapan, karahasan, at krisis.

Panginoon, sinabihan mo po ang mga kababaihan na magluksa hindi para sa iyo kundi para sa mundo.  Nawa’y hindi kami magsawa sa pagtuligsa sa pagpapahirap at pang-aapi.

9) SA IKATLONG PAGKAKATAON, NABUWAL ULI SI HESUS

Dahil sa globalisasyon, lumalago ang kapangyarihan ng mga korporasyon sa mga umuunlad na bansa.  Madalas napapahamak ang kanilang mga ekonomiya at ang kalikasan.  Napepeligro ang maraming tao dahil sa pagsira ng mga kagubatan at sa paglason sa tubig at hangin.

Panginoon, pinapanalangin po namin yaong mga may kapangyarihang magpasya ukol sa pandaigdigang ekonomiya at sa kalikasan.  Tulungan mo po silang magsulong ng kaunlarang makatao at maka-kalikasan.

10) HINUBARAN SI HESUS

Maraming napipilitang lumikas dahil sa matinding kahirapan at digmaan.  Madalas biktima ng diskriminasyon at paglabag sa karapatang pantao ang mga migrante at ang mga napilitang lumikas.

Panginoon, turuan mo po kaming makipagkapwa at magmalasakit sa mga ibang lahi at relihiyon.  Bigyan mo kami ng lakas ng loob at ng karunungan na manindigan para sa mga migrante, sa mga napilitang lumikas, at sa mga walang tahanan.  Nawa’y hangarin namin na ang lahat ay mamuhay nang malaya at may pantay-pantay na karapatan.

11) IPINAKO SI HESUS SA KRUS

Sa iba’t ibang bansa, naiipit ang maraming Pransiskano sa mga digmaan ng mga lahi at relihiyon.  Sa pagitan ng mga armadong grupo, sinisikap nilang isulong ang diwa ng pakikipagdayalago upang labanan ang karahasan.

Panginoon, hindi po namin lubos maisip ang paghihirap ng mga biktima ng terorismo.  Tulungan mo po kaming isulong ang diwa ng paggalang at pag-unawa sa isa’t-isa upang makamit ang hangad na kapayapaan.

12) NAMATAY SI HESUS SA KRUS

Patuloy ang paggamit ng dahas upang mapaamin o mapasalita ang mga bihag.  Hindi katanggap-tanggap ang ganitong pagpapahirap sa kapwa tao.

Panginoon, ipadama mo po sa mga biktima ng pagpapahirap na kasama mo sila at nakikibahagi ka sa kanilang paghihirap.  Sa iyong dakilang awa, nawa’y mabigyang-ginhawa ang mga nagdurusa at namamatay kasama mo.  Nawa’y magmalasakit kami sa mga biktima ng karahasan at masigasig naming tutulan ang ganitong mga krimen.

13) SI HESUS AY IBINABA MULA SA KRUS

Nakikiramay tayo sa pamilya at mga kaibigan ng mga pinaslang dahil sa kanilang pakikibaka laban sa pang-aapi.

Panginoon, marami pong nangangamba at nawawalan ng pag-asa dahil inuusig ang mga nagsusulong ng katarungan.  Nawa’y maipadama namin sa kanila ang iyong nakapagliligtas na pagpapala.  Nawa’y manalig sila na ang kanilang mga pinaslang na mahal sa buhay ay malaya na sa pagpapahirap at pananakot.

14) NABUHAY NA MULI SI HESUS

Ang mga Pransiskano ay nangangasiwa ng mga paaralan, ospital, at iba pang institusyong pang-kawanggawa.  Dahil sa kanilang masugid na pagsasabuhay ng diwa nina San Francisco at Sta. Clara, nanunumbalik ang aming pananalig at pag-asa sa muling pagkabuhay ni Hesus!

Panginoon, pinapanalangin po namin ang lahat ng mga pamayanang Kristiyano na nagdiriwang ng iyong pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay.  Tulungan mo kaming maging aktibong tagapagpatotoo sa bagong buhay na ipinagkakaloob mo sa mundo.  Salamat, Hesus, sa paghango sa amin sa dilim at pagdala sa amin sa liwanag.


“[God] destroys those who speak lies; the Lord abhors the bloodthirsty and deceitful.”
Psalm 5:6

We, members of the Inter-Congregational Theological Center (ICTC) express our outrage at the Arroyo administration in its attempts to cover up the truth behind the NBN-ZTE deal.  The corruption involving the Arroyo family and government officials is the latest example of an evil pattern of scandals and abuse of power, e.g. Garci tape, fertilizer scam, extrajudicial killings and enforced disappearances.  This is a blatant manifestation of a morally bankrupt administration.

We believe that THE PRESENT ADMINISTRATION HAS LOST ITS MORAL ASCENDANCY TO GOVERN OUR COUNTRY.  To allow Gloria Macapagal-Arroyo to stay in power until 2010 brings shame to us and exacerbates the crisis our country is experiencing.  We believe that we have morally credible Filipinos who can lead our country.

As members of the Church, we cannot allow the darkness of deceit to reign in our country.  WE ADHERE TO THE PRINCIPLES OF TRUTH, JUSTICE, AND PEACE.  Jesus assures us that the truth shall make us free.

We add our voice to the clamor of the people demanding that Gloria Macapagal Arroyo step down now.  We also enjoin all Church people and faith communities to demand that the Arroyo administration be held accountable for its shameless involvement in too many scandals.

Uncover the truth about corruption!
GLORIA OUT NOW!

Ano daw ang silbi ng pagrarali kung ayaw naman bumaba ng mga kurakot?
Kahit hindi kusang bumaba ang mga kurakot, may silbi parin ang pagrarali. Nakakapagpasigla ito ng loob at nakakapagpatibay ng paninindigan. Nagkakaroon ng panibagong lakas ang bawat sumasali sa rali para ipagpatuloy ang kanilang pakikibaka para sa Diyos at sa bayan.

Nabusog ako sa pagkilos nitong mga nakaraang araw: pagdalo sa senado nung lunes, rali sa makati nung biyernes, at misa sa lsgh kaninang umaga. meron ulit bukas rali sa senado na pinatawag ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP).

Mabuhay ang mga taong simbahan na nakasama namin sa rali:
mga paring Aglipay
mga protestanteng pastor
mga kapatid kong Pransiskano
mga prayleng Carmelite
mga madre ng Religious of the Good Shepherd
Fr. Charly Ricafort ng Order of St. Camillus
Missionaries of the Sacred Heart
La Salle brothers
Redemptorists
mga Heswita, Dominikano, at mga Salesiano
Blessed Sacrament Fathers
Benedictine Sisters of Tutzing
Franciscan Sisters of the Immaculate Conception
Franciscan Apostolic Sisters
Daughters of Charity
Monfort Missionaries
Oblates of Mary Immaculate
Servites
Sisters of St. Paul of Chartres
Augustinian Missionaries of the Philippines
mga madreng Agustino
mga estudyante ng Maryhill School of Theology
mga estudyante ng St. Vincent School of Theology
mga estudyante ng St. Andrew's Seminary
si Fr. Joe Dizon, Fr. Robert Reyes at iba pang paring diyosesano
at lahat ng ibang mga pari, brother, at madreng nakikibaka

Taong Simbahan, ngayon ay lumalaban!
Mabuhay tayong lahat!

Pages:123
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help