Para sa Diyos at sa bayan!

Blog EntryPa-rally rally paMar 29, '08 10:57 PM
for everyone
Nagtipon-tipon kami sa isang rally. Iba-iba ang aming mga Simbahan ngunit iisa ang aming paninindigan na ang Mabuting Balita ay ang pangunahing tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Iilan lang kami, ngunit dama ko ang buhay na diwa ng ekumenismo at pagkakaisa para sa adhikaing maka-Diyos, makatao, at makabayan.

Ano ang napala namin sa aming pagra-rally? Bakit namin tiniis ang matinding init ng araw? Dininig ba ang aming mensahe? Hindi ba naging sanhi lang kami ng trapiko? Anong kabuluhan ng rally na hindi man lang umabot ng isandaang katao? Bakit may pa rally rally pa?

Taas noo akong dumalo sa prayer rally bilang kinatawan ng Kapatirang Pransiskano. Bilang mga Pransiskano, kilala tayo sa diwa ng pagkakapatiran. Sino ba ang ating kapatid? Sino ba ang ating kapwa? Si Hesus na mismo ang nagsabing "... lahat kayo ay magkakapatid." (Mateo 23:8) Bilang mga kuya, natural lang sa atin na sikaping ipagtanggol ang nakababatang kapatid na inaapi at pinahihirapan. Nawa'y patuloy nating isulong ang tunay na diwa ng pagkakapatiran sa pamamagitan ng pagtataguyod ng karapatang pantao at ng kapakanan ng "pinakahamak sa ating mga kapatid" (Mateo 25:40).


1 Comment
natin81 wrote on Mar 30
kuya..hello..namiss ko na mob sa atin!
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help