| |
- Kasama ang People's Caravan, nagdaos kami ng paraliturhiya para sa katarungan at kapayapaan sa kapilya ng Ospital ng Tala - Kasama si Obispo Antonio Tobias, D.D. ng Novaliches at ang mga pasyente ng Tala - Ilan taon nang umaasa sa abuloy ang mga taga-Tala - Sa halip na makatayo sa sarili nilang mga paa, tinuruan silang maging pala-asa sa abuloy - Labag ito sa kanilang dignidad bilang mga tao - Barya lang ang abuloy na handang ipagkaloob sa kanila ng gobyerno at ng lipunan - Paunti na nang paunti ang ipinagkakaloob sa kanilang abuloy - Dahan-dahan na silang namumulat sa pang-aaping ginagawa sa kanila ng gobyernong nagpapabaya sa tungkulin - Panahon na upang magkaisa sila at sama-samang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at dignidad
| |
|